TINGNAN: Ibinebentang bahay sa Tagaytay, may free limited edition sports car

405
COURTESY OF THE STAYCATION

For sale pa rin ang isang bahay sa Tagaytay na may kasamang freebie na limited edition sports car lang naman.

Tumataginting na P38 milyon ang tatlong-palapag na bahay ng ibinebenta sa Splendido, Tagaytay, na sinamahan ng may-ari ng Ford Mustang 50 Year Limited Edition.


Ang nasabing collector’s edition sports car ay inilabas noong 2015 at dalawa lamang ito sa buong mundo.

Ayon sa The Staycation na nagpaskil nito sa Facebook, ipinapabenta ito dahil marami nang pagmamay-aring bahay ang may-ari, na tumutuloy ngayon sa Quezon City.

May tatlong kwarto at dalawang garahe ang bahay na may 485 sqm lote at 297sqm na floor area.

Hindi naman naiwasan ng ibang netizen na idaan na lang sa biro ang kagustuhang bilhin ang bahay pero hindi kaya dahil cash ang hinihingi ng may-ari.

Mayroon pang nagbiro kung puwede ba raw na “home credit” habang ang isa naman ay gustong hulugan sa Pag-IBIG.

Sa mga ma-anda diyan at interesado, pumunta lamang sa post na ito:

Facebook Comments

From Advertisers