Natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Eastern Samar ang ilang piraso ng eroplano noong Huwebes, Agosto 6.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nakita ang unang debris bandang alas-7:30 ng umaga sa karagatang sakop ng Mercedes. Kinailangan pa raw itong buhatin ng sampung tao dahil sa sobrang laki at bigat.
Kinahapunan naman ay may nakolekta pang parte ng eroplano sa baybayin ng Barangay Taytay sa bayan ng Guiuan, na tatlong kilometro ang layo mula sa naunang debris.
Nakatakda itong i-turnover ng CAAP sa mga awtoridad para maimbestigahan ng husto ang naturang insidente.
Patuloy namang inaalam ng ahensiya kung saan nanggaling ang mga debris dahil nabatid ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center na wala silang natatanggap na ulat kaugnay ng nawawalang eroplano.