TINGNAN: Miss Universe PH Gazini Ganados, binisita si Isko Moreno

Instagram/Gazini Ganados

Pormal na bumisita si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados nitong Huwebes kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sinamantala ng beauty queen ang pagkakataon para talakayin ang adbokasiya niyang nakasentro sa kapakanan ng mga matatanda.

“Yesterday, I paid a courtesy call on Manila Mayor Isko Moreno who has a great vision for the City of Manila and his constituents,” saad ni Gazini sa isang Instagram post.


“Also, I took the chance to discuss with him the causes that I care about and I am so delighted that Mayor Isko gives equal concern to the senior citizens of the City of Manila by granting them monthly allowance and employment opportunities,” dagdag niya.

Instagram/Gazini Ganados

Nauna nang nagpasalamat si Gazini kay Moreno nang mapabalitang ipinatupad ng alkalde ang pagbibigay ng monthly allowance sa mga senior citizen at paghikayat sa mga lokal na establisyimento na tumanggap ng mga aplikanteng senior.

“Thank you to Mayor Isko Moreno for uplifting the lives of the elders by encouraging local establishments to hire senior citizens and PWDs and for granting monthly allowance to the senior citizens. Mabuhay po kayo!” aniya sa isang post noong Hulyo.

Sa simula pa lang ay isinusulong na ng Cebuana beauty queen ang kanyang adbokasiya, na binigyang-diin niya rin sa kanyang sagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas 2019.

Facebook Comments