Apat na Pinoy ang naiulat na nasugatan habang dalawa pa ang hinahanap ng pulisya matapos gumuho ang isang tulay sa Yilan county sa bansang Taiwan nitong.
Batay sa ulat ng Reuters, bumagsak ang Nanfangao Bridge bandang alas-9:30 ng umaga nang dumaan ang isang oil tanker.
Nahulog ang naturang sasakyan sa mga fishing vessel na nasa ilalim nito matapos bumigay ang tulay.
Pahayag ni Lito Banayo ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, may posibilidad na kaya bumagsak ang Nanfangao Bridge ay dahil sa matinding ulan at hangin dulot ng bagyong Mitag.
Ayon kay Banayo, nakalabas na ng pagamutan ang tatlong Pinoy at sumailalim naman sa operasyon ang isang Pilipino sa hindi pa malamang dahilan.
Sa ngayon, hinahanap pa ng awtoridad ang anim na mangingisda na pinaniniwalaang na-trap sa loob ng bangkang nabagsakan ng tulay.