Agaw-pansin ang baby sea turtle na mayroong dalawang ulo na namataan sa South Carolina nitong Miyerkules.
Sa Facebook, ibinahagi ng Sea Turtle Patrol Hilton Head Island ang pagkasabik nila nang makita habang nag-iimbentaryo ang pagong na tinawag nilang sina Squirt at Crush.
Ayon sa grupo, bagaman karanwian ang mutation sa reptiles, madalang pa rin itong mangyari.
“We thought we had seen it all during this very busy season on Sea Turtle Patrol! Yesterday on patrol during a nest inventory this bicephalic hatchling was discovered,” kuwento ng Sea Turtle Patrol sa post kung saan ibinahagi rin nila ang larawan ng pagong.
Nabanggit din na pinakawalan nila ang nahuling pagong, na nagdulot naman ng pagkabahala sa ilang nag-komento.
Giit ng marami, mas maigi sana kung inalagaan at inilagay na lang sa aquarium ang pagong.
Ayon sa Sea Turtle Conservancy, mababa ang tyansa ng kahit anong bagong silang na pagong; isa sa 1,000 hanggang isa sa 10,000 baby turtle ang umaabot sa adulthood.