TINGNAN: Pinoy, isa sa mga referee sa overtime match ng USA at Turkey

1212
Image from FIBA Basketball

Bukod sa Gilas Pilipinas, meron pang isang kinatawan ng Pilipinas sa ginanap na FIBA Basketball World Cup sa Shanghai, China.

Si Ferdinand ‘Bong’ Pascual ay isa sa tatlong official referee sa matinding bakbakan ng koponan ng Estados Unidos at Turkey noong Martes ng gabi


Crucial ang larong kaniyang inofficiate matapos itong umabot sa overtime. Sa huli, nalusutan ng mga Amerikanong basketbolista ang bagsik ng Turkey sa iskor na 93-92.

Kuwento ni Pascual bago lumipad papuntang Tsina, naging referee din siya noong 2014 FIBA World Cup na idinaos sa bansang Spain, kung saan nakasama niya rin ang Gilas Pilipinas.

Nagsilbi din siyang referee sa iba pang international tournament katulad ng 2016 Rio Olympics.

Kasalukuyang supervisor sa Philippine Basketball of Association (PBA) si Pascual.

Facebook Comments

From Advertisers