TINGNAN: PLDT customer service Twitter account, na-hack

Na-hack ang opisyal na Twitter account ng PLDT customer service bandang alas-12:30 ng tanghali nitong Huwebes.

Pinalitan din ng nagpakilalang “Anonymous” ang username nito ng “PLDT Doesn’t Care.”

Base sa iniwang post ng hacker, maraming Pilipino ang nangangailangan ng mabilis na internet connection para makausap ang kani-kanilang mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya. Kaya dapat lamang ay ayusin ng kompanya ang kanilang serbisyo.


“The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget. Expect us,” dagdag pa ng grupo.

Nagbabala rin sila na isusunod ang Twitter account ng Globe Telecom.

Makalipas ang ilang oras ay narekober ng PLDT customer service ang naturang social media account.

“We would like to assure our customers that the security issue was limited only to the Twitter account and did not affect PLDT’s network and services,” pagtitiyak ng PLDT Inc.

Pagmamay-ari ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan ang naapektuhang telecommunications company.

Facebook Comments