Kumalas na ang Tingog Party-list sa Memorandum of Agreement (MOA) sa Development Bank of the Philippines (DBP) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa proyektong “Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program”.
Diin ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, nakapakahalaga ng proyekto para mapunan ang kawalan ng mga pagamutan sa mga malalayong lugar at ang kakulangan sa mga kasalukuyang ospital upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon sa bansa.
Una nang ipinaliwanag ni Acidre na sa pamamagitan ng MOA ay tutulungan ng Tingog Party-list ang mga lokal na pamahalaan na maka-utang sa DBP at tiyakin na kikilalanin ang PhilHealth sa mga itatayong ospital.
Pero ayon kay Acidre, nakakalungkot na may pumupuna sa partisipasyon ng Tingog Party-List sa naturang kasunduan o adbokasiya.