Indonesia – Dalawang posibilidad ang tinitingnan ngayon ng mga imbestigador sa posibleng dahiln kung bumagsak ang eroplano ng Lion Air sa Indonesia.
Una na rito na posibleng freak accident ang naging dahilan kaya bumagsak ang eroplano.
At ang pangalawang rason: kawalan ng sapat na traning ng mga piloto sa bagong sistema na inilagay ng Boeing sa 737 MAX 8 na eroplano nito.
Malabo raw kasi na pilot error dahil may 11,000 flying hours ang dalawang piloto ng Lion Air Flight 610. Maganda rin ang panahon nang maganap ang trahedya.
Dahil dito mariing binubusisi ng mga imbestigador na posibleng hindi pa pamilyar ang mga piloto sa bagong safety feature na wala sa mga dating 737 na eroplano.
May mga alegasyon pa na hindi raw sinabihan ng Boeing ang mga piloto sa bagong sistema na ito sa mga bagong 737 na eroplano.