TINIYAK | 2019 Nat’l budget, titiyaking maipapasa sa susunod na linggo

33

Manila, Philippines – Tiniyak ng mga senador na magdodoble kayod na sila para maipasa na ang proposed P3.757 trillion National budget sa susunod na linggo.

Ayon kay Senador Aquilino Pimentel III, simula ngayong araw ay mag-o-over time na sila para talakayin ang panukalang budget.

Tiniyak naman ni Senador Sonny Angara na gagawin nila ang lahat para maaprubahan ito.

Sabi naman ni Senador Richard Gordon, maipapasa ang panukalang budget sa target na petsa basta malinaw at mabilis ang pagtatanong.

Pero giit ni Senador Sherwin Gathalian, ang ganitong kalaking budget ay dapat busisiin mabuti at kung kailangang mapalawig ang diskusyon sa susunod na taon ay kailangan gawin basta hindi makukumpromiso ang mga isyu sa budget.

Facebook Comments