TINIYAK | AFP, walang namo-monitor na anumang banta sa Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na wala silang namo-monitor na anumang banta para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong araw.

Sa kabila nito, nakalatag na ang contingency measure ng AFP at nagpakalat na rin ng mga sundalo sa mga lugar na itinuturing na red hotspots.

Nagsagawa rin ng focus combat intelligence at civil military operation ang AFP para matiyak na hindi makakakilos ngayong araw ng halalan ang mga terorista.


Facebook Comments