TINIYAK | Cash-for-Work Program sa Albay, siniguradong ipatutupad

Albay, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na maipapatupad ng maayos ang implementasyon ng Cash-for-Work Program para sa mga evacuees ng pagputok ng bulkang Mayon sa Albay.

Ito ay matapos isapinal na ang pagpapatupad ng programa na bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management projects na ang makikinabang ay mga evacuees.

Ang short term program ay ipapatupad ng sampung araw ngayong buwan ng Pebrero.


Ang pondo para dito ay ililipat sa Local Government Units na siya namang mamamahala sa implementasyon at ang DSWD sa region 5 ang magbibigay ng technical assistance sa mga lokal na pamahalaan.

Nakapaloob sa nilagdaang Memorandum of Agreement ng DSWD at LGUs sa Albay bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng 290 pesos kada araw na sahod sa kanyang trabaho.

Facebook Comments