TINIYAK | CJ Sereno, hindi umano magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Tiniyak ni Atty. Jojo Lacanilao na hindi magre-resign si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kabila ng “wellness o indefinite leave” nito ngayong darating na Marso.

Giit ni Lacanilao, walang plano si Sereno na magbitiw dahil ang nakatakda nitong leave ay bilang paghahanda para sa depensa nito sa oras na umakyat na sa Senate Impeachment Court ang Impeachment Complaint laban dito.

Mula sa March 12-23 na orihinal na petsa ng wellness o indefinite leave ni Sereno ay iniurong ito sa March 1-15.


Paliwanag ni Lacanilao, bukod sa paghahanda ito ay para makapagpahinga din ang punong mahistrado dahil sunud-sunod ang mga nangyayari laban sa kanya.

Facebook Comments