Manila, Philippines – Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Usec. Tonisito Umali na dadaan sa konsultasyon ang planong pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
Ayon kay Umali, suportado ng DepEd ang planong ito dahil na rin sa mga naipakitang benepisyo ng pagkakaroon ng military training ng mga estudyante.
Matatandaan na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsulong na ibalik ang ROTC, para magkaroon ng military background ang mga mag-aaral at maturuan na rin ng angkop na disiplina ang mga nasa kolehiyo.
Aminado naman si Umali na may mga kontra sa panukala, kaya pinaplantsa na nila ang ibang concern bago ang implimentasyon ng ROTC.
Facebook Comments