Manila, Philippines – Ginagawa ng Pangulo ang kanyang constitutional prerogative bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.
Inihayag ito ni Solicitor General Jose Calida sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.
Sinabi pa ni Calida na ito ay isang politikal na hakbang ng presidente na nakasalalay lang sa executive branch at hindi maaring pakialaman ng hudikatura o ng legislative branch alinsunod sa doktrina ng separation of powers.
Bunga nito, hindi aniya maaring gamitin ng korte suprema ang kapangyarihan nito para sa isang judicial review sa nasabing petisyon.
Tanging sina justices marvic leonen at antonio carpio ang nagtanong kay Calida.
Binigyan ng korte ang bawat panig ng tatlumpung araw para magsumite ng kanilang memoranda o written argument sa korte bago resulbahin ang petisyon.