Manila, Philippines – Tiniyak ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, na tuloy tuloy ang ginagawang monitoring sa pamamagitan ng pagpapadala ng military assets malapit sa teretoryo ng Pilipinas upang ma-monitor ang mga galaw ng China sa pinagtatalunang teritoryo ng Pilipinas.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Esperon na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas sa China dahil ikinukunsidera nito ang pagpasok ng turista sa bansa , trade and commerce at iba pa upang lumago ang ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ng kalihim na hindi nagtatapos ang relasyon ng China sa usapin ng West Philippine Sea dahil marami pang pinag uusapan ang dalawang bansa maliban sa usapin ng seguridad.
Dagdag pa ni Esperon na sa kasalukuyan ay nag-upgrade sa mga Port at Airstrip facilities ang gobyerno sa Pag-Asa Island dahil kailangan ito sa Trade at pangangalaga sa ating mga mangingisda.
Giit ni Esperon ang DFA ay ipinapaabot sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism sa pamamagitan ng China at Pilipinas ang isyu ng West Philippine Sea.