TINIYAK | Hand carry-bags ng mga pasahero sa NAIA, isasalang na sa X-ray

Manila, Philippines – Tiniyak ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na wala ng makalulusot na anumang kontrabando na papasok sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ayon kay Lapeña naglagay na ng pitong hand-carry X-ray sa tatlong terminal sa NAIA na sasala sa mga puslit at mga kontrabando.

Paliwanag ng opisyal dalawang bagong Rapiscan X-ray ang inilagay sa NAIA Terminal 3, 2 sa Terminal 2 at tatlo sa Terminal 1.


Dagdag pa ni Lapeña, malaki ang maitutulong ng mga bagong X-ray machine upang matunton ang mga bagahe ng mga pasahero na naglalaman ng mga bag, relos, foreign currency , mga illegal drugs at iba pang ipinagbabawal na produkto.

Inaatasan ang mga pasahero na idaan sa mga personnel ng Bureau of Custom (BOC) ang kanilang mga hand-carry bag upang maidaan sa bagong X-ray machines.

Tiniyak ni Lapeña na hindi bubuksan ang mga bag, ngunit ang mga bag na mamarkahan ng X-ray machine na kaduda-dudang laman ay eeksaminin ng customs officials.

Facebook Comments