Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na magiging patas ang office of the President sa kanilang ginagawang imbestigasyon sa kaso ng 60 million pesos na advertisement ng Department of Tourism na ibinayad sa Production Company ng magkapatid na Tulfo na sina Erwin at Ben na mga kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na siya magbibigay pa ng anomang komento kaugnay sa issue dahil nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng Office of the President sa issue pero tiyak naman aniyang magiging patas ito.
Sinabi ni Roque na mananatili lang sa kanilang mga posisyon ang mga gabinete ng Pangulo na sinasabing sangkot sa issue hanggang ineejoy pa ng mga ito ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte.
Wala din naman aniyang timeline si Pangulong Duterte kung kailan matatapos ang imbestigasyon.
Ayaw na rin aniya niyang kontrahin pa ang nauna nang sinabi ni special assistant to the president bong go na kasama sa mga iniimbestigahan si Communications Secretary Martin Andanar.
TINIYAK | Imbestigasyon ng Office of the President sa 60 million pesos ads budget ng DOT magiging patas – ayon sa Malacañang
Facebook Comments