Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi sila makikialam sa imbestigasyon sa kaso ng Philippine National Police sa anak ni Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.
Matatandaan na kaninang madaling araw ay naaresto ng mga Pulis sa sinasabing bahay ng isang suspected drug personality si Nicanor Faeldon Jr.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, walang sisinuhin ang administrasyong Duterte sa paglaban sa iligal na droga sa bansa.
Pinuri din naman ni Panelo ang naging pahayag ni Faeldon na hindi makikialam sa imbestigasyon sa kanyang anak.
Sa naging paayag ni Faeldon ay sinabi nito na siya pa mismo ang bubura sa mundo sa anak niya sakaling mapatunayan na sangkot ito sa operasyon ng iligal na droga na salot sa lipunan.