TINIYAK | Inflation, inaasahang babagal sa Christmas season – DBM

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbagal ng inflation sa huling quarter ng 2018.

Ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno – posible itong maranasan pagsapit ng Pasko.

Pero paglilinaw ng kalihim – hindi ito nangangahulugang bababa na ang presyo ng mga bilihin sa halip, ang pagbagal sa pagtaas sa halaga nito.


Salungat sa 6% inflation na naitala noong nakalipas na buwan.

Samantala, binigyang halaga ng economic managers ang tulong ng rice tarrification kaya nakatakda namang maglabas ang pamahalaan ng mga panuntunan kaugnay nito.

Facebook Comments