TINIYAK | Kahit may sakit, Kris Aquino – dadalo pa rin sa Hollywood premier ng “Crazy Rich Asians”

Tiniyak ng Queen of Online World and Social Media na si Kris Aquino na dadalo siya sa premier night ng hollywood movie na “Crazy Rich Asians”.

Ito ay kahit nagpapagaling pa rin si Kris mula sa matinding allergy na tinamo niya habang nagte-taping sa Indonesia.

Mataandaang isa si Kris sa mga gumanap sa nasabing pelikula.


Say ng Queen of all Media, hindi niya pwedeng palagpasin ang pagkakataong bitbitin ang pangalan ng Pilipinas sa pelikulang nagpapakita ng kultura ng mga Asyano.

Kaya naman bukod sa kanyang pamilya at team, isasama rin daw niya sa hollywood premier ang kanyang doktor para ma-monitor pa rin ang kanyang kalusugan.

Una nang nai-kwento ni Kris na prinsesa ang role niya sa remake ng librong “Crazy Rich Asians” at proud daw siya kahit hindi kahabaan ang kanyang exposure sa pelikula.

Facebook Comments