TINIYAK | LTFRB, Pananagutin ang mga Operator at mga tsuper ng PUJ na naningil na ng ₱9 bago pa ilabas ang provisional fare hike

Manila, Philippines – Tiniyak ni LTFRB Chairman Martin Delgra na pananagutin ang mga tsuper ng jeepney na nagpatupad na ng pisong dagdag-pasahe kahit wala pang pormal na kautusan para dito ang regulatory agency.

Ang pahayag ni Chairman del4gra ay kasunod ng natatanggap na reklamo ng LTFRB sa social media na ilang mga jeepney driver na ang naningil na ng siyam na pisong minimum fare sa jeepney mula pa kahapon.

Binigyan diin ng opisyal na simula pa lamang ay kanya nang nilinaw na magiging epektibo lamang ang inanunsyo niyang kautusan sa sandaling mailabas na ang written order na pirmado ng majority ng board.


Aniya kailangan lamang ay magsumbong sa kanilang tanggapan ang isang pasaherong pinagbayad ng siyam na piso mula kahapon hanggang kaninang ilabas ang desisyon bago magtanghali.

Tiniyak ni delgra na pananagutin ang isang tsuper at operator na lumabag dito at papatawan ng karampatang parusa.

Batay sa inilabas na kautusan ng ltfrb ngayong araw magiging siyam na piso na ang minimum na pamasahe sa jeepney dito sa metro manila, region three at region 4 habang wala namang pagbabago sa singil sa susunod na mga kilometro.

Ikinatuwa naman ng Liga ng mga Transportasyon at Operator sa Pilipinas ang pagpapalabas na ng order.

Ayon kay Ka Lando Marquez, malaking ayuda na ang one peso provisional sa isang tsuper at operator para makaagapay sa mataas na presyo ng krudo at bilihin.

Facebook Comments