TINIYAK | Maayos na kalusugan ni PRRD, ginarantyahan nina Senators Villar at Pimentel

Manila, Philippines – Tiniyak nina Senators Cynthia Villar at Koko Pimentel na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagkontra ito sa pahayag ni Communist party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na comatose si Pangulong Duterte simula kahapon, linggo.

Ayon kay Senator Villar, nasa Davao sya nitong weekend at kasama niya si Pangulong Duterte na masaya pero galit na galit na naman sa mga tiwali.


Kwento pa ni Senator Villar, tuwang tuwang si Pangulong Duterte na nagpa-picture sa mga opisyal ng baranggay sa Davao City.

Diin naman ni Senator Pimenel, bakit papaniwalaan ang sinasabi ni Sison na nasa Europe at daan daang kilometro ang layo mula sa ating bansa.

Facebook Comments