TINIYAK | Malacañang naniniwalang masusing pinag-aralan ng wage board ang P25 wage increase

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na dumaan sa malalimang pag-aaral at konsultasyon ang desisyon ng regional wage board na itaas ang minimum wage sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos magdesisyon ang wage board na itaas sa 25 pesos ang minimum wage sa Metro Manila na ngayon ay nasa 537 pesos na ang minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kung ito ang napagdesisyuhan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ay sigurado namang sapat ang ginawang pag-aaral dito at alam nito kung sapat o hindi ang kanilang itinakdang dagdag sa sahod ng mga manggagawa.


Matatandaan na sinabi ng Malacañang na hahayaan nalang nila ang Wage Board na magdesisyon at hindi sila nanghimasok sa prosesong ipinatutupad nito.

Facebook Comments