TINIYAK | Malacañang, tiniyak na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para mapababa ang inflation

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para mapababa ang inflation o presyo ng produkto at serbisyo.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong Hunyo, 48% ng respondents o 11.1 million na pamilya ang nagsasabing mahirap sila.

34% o 7.8 million na pamilya ang nagsabing naghihirap sila sa pagkain o food-poor.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng palasyo ang latest self-rated poverty survey.

Batid din nila ang paghihirap ng mga Pilipino na apektado ng mataas na inflation rate.

Inilalatag na ng gobyerno ang mga pangmatagalang solusyon tulad ng pagsusulong ng rice ratification at pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng build, build, build program para mapababa ang transport cost ng mga produkto.

Facebook Comments