Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ligtas at malulusog ang lahat ng batang nabakunahan ng Dengvaxia sa MIMAROPA.
Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, natapos na ang evaluation at assessment ang mga natukoy na recipient ng Dengvaxia sa rehiyon at lahat sila ay nananatiling masigla.
Pero kahit na ligtas sa dengue, sinabi ni Janairo na binigyan pa rin sila ng dengue kits upang manatiling protektado.
Laman ng dengue kits ang multivitamins, thermometer, mosquito net, mosquito repellent, sabon at manual ng mga impormasyon patungkol sa sakit na dengue.
Patuloy din ang monitoring ng LGUs sa kalagayan ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.
Nabatid na karamihan sa mga recipient ng Dengvaxia vaccine ay sa MIMAROPA, CALABARZON at Central Luzon.