TINIYAK | Mga kamalian ng gobyerno noong humagupit ang bagyong Yolanda, hindi na mauulit

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi na mauulit ang kapalpakan ng Pamahalaan noong nanalasa ang bagyong Yolanda sa Visayas Region noong 2013.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, hindi papayag ang kasalukuhang administrasyon na maulit ang maling pagtugon ng Pamahalaan sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda.

Matatandaan kasi na hanggang sa ngayon ay mayroon parin mga biktima ng Yolanda ang naghihirap at hindi parin lubusang natutulungan ng Pamahalaan.


Tiniyak ni Go na nakahanda na ang pondo ng Pamahalaan, food at non-food items para sa mga masasalnta ng bagyo, mabilis narin naman aniyang maidedeploy ang mga sundalo at mga pulis dahil naka puwesto na ang mga ito.

Biniyang diin pa ni Go na titiyakin niya na magkakaroon ng sapat na Supply ng NFA rice sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Ompong.

tiniyak ni Go na nakabantay ang Pamahalaan at handang tumulong sa mamamayan kung saan target din ng Pamahalaan ang zero casualty at mabilis na makatulong sa mga maaapektuhan ng Bagyo.

Facebook Comments