TINIYAK | Mga narco politics na nanalo sa nakaraang eleksyon, hindi ligtas sa asunto – DILG

Manila, Philippines – Tiniyak ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na hindi dahilan ang pagkapanalo para hindi tuntunin ng batas ang mga nanalong Narco politics.

Ang pahayag ni Diño ay kasunod ng pagkakapanalo ng maraming kandidato na kabilang sa narco list na inilabas ng PDEA.

Sabi ni Diño na lalong magpupursigi ang DILG sa paghahabol sa mga ito lalupat kumpleto sila ng dokumento na magpapatunay na sangkot ang mga ito sa illegal na droga.


Una nang nanalo at naging number 1 kagawad sa Barangay Bagong lipunan ng Crame kagawad si kagawad Noemi Agcaoil na tanging pangalan na lumabas sa Quezon City sa PDEA list.

Bukod kay Agcaoili, lusot din si Eli Nitafan Jr ng Barangay Masambong na number 9 high value target on illegal drugs ng QCPD.

Paliwanag ni Diño, higit pa sa nasa listahan ang aktuwal na bilang ng mga barangay officials sa Metro Mabila ang kanilang Iniimbestigahan.

Dahil dito, Ikinakasa na nila ang pagsasampa ng kaso sa mga Narco politics bilang bahagi ng nagpapatuloy na war on drugs ng Duterte Administration.

Facebook Comments