Manila, Philippines – Sinisiguro ng National Telecommunications Commission o NTC na hindi maapektuhan ng mga telco provider ang national security ng bansa.
Kung maalala, inaasahan ngayong taon magkakaroon na ng 3rd major telecommunications na siyang magbibigay ng mas mura mas mabilis na internet service sa bansa.
Kasabay nito pinangangambahan na baka makaapekto ang mga telco player sa siguridad sa bansa lalo at banyaga ang ilan sa ka-partner nito tulad ng China.
Ayon kay DICT acting Secretary Elesio Rio meron ding pinirmahang kontrata para matiyak ang national security ng Pilipinas.
Sinabi naman ni Secretary Rio ang pwedeng mangyari kapag ito ay nilabag.
Samantala, may pag-asa pang umapela ang mga natalong bidder bago aprubahan ang posibleng pangatlong telco provider na Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel).
Kasunod nito umaasa naman ang publiko na mas gaganda at mas magiging mura ang internet sa bansa dahil sa higpit ng kumpitisyon.