TINIYAK | NBI, pursigidong maiharap sa korte si Peter Go Lim sa arraignment sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice sec. Menardo Guevarra na Ginagawa ng NBI at ng PNP ang lahat ng paraan para madakip si suspected drug lord Peter Go Lim

Ayon kay Guevarra ,pursigido ang mga otoridad na maiprisinta si Lim sa Makati RTC sa August 27

Sa ngayon ayon sa kalihim ay nasa bansa pa rin si Lim batay sa records ng Bureau of Immigration


Sakali namang mabigo ang mga otoridad, nilinaw ng Secretary of Justice na hindi na kailangan pa ng panibagong warrant of arrest laban kay Lim.

Inaasahan na lamang nila na magkakaroon ng reset o pagbabago ng petsa para sa arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pang akusado , sa Makati RTC kung saan sila nahaharap sa kasong may kinalaman sa drug trading.

Facebook Comments