Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa summer

Ito ay sa harap na rin ng pagbabadyang magkaroon ng full-blown El Niño.

Ayon kay DOE Spokesperson at Undersecretary Wimpy Fuentebella – stable naman at sapat ang suplay ng kuryente sa bansa hanggang sa hunyo.

Pinakabinabantayan umano ng ahensya ay ang buwan ng Mayo kung saan inaasahang aabot sa 14,000 megawatts ang peak demand sa Luzon grid.


Pero sabi ni Energy Asec. Redentor Delola – makakaya naman itong suplayan mula sa iba pang electricity sources.

Sa Visayas, aabot sa 2,299 megawatts ang peak demand sa Nobyembre at Disyembre habang 2,130 megawatts sa Mindanao.

Babantayan ding mabuti ng DOE ang mga planta ng kuryente sa bansa.

Hinikayat naman ni Fuentebella ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.

Facebook Comments