
Ang naturang mga kabataan ay una nang nagsagawa ng kilos-protesta kahapon bilang bahagi ng Black Friday Protest sa Katipunan upang iprotesta ang patuloy na pagtaas ng cost of living at ang tumitinding pangungurakot sa pamahalaan.
Kasabay ng isinagawang kilos-protesta ay nanawagan ang grupo ng mga kabataan na sumali sa Trillion Peso March sa Miyerkules.
Inaabangan din ng grupo ang nakatakdang pre-trial ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong kampanya kontra iligal na droga ng kanyang administrasyon.
Panawagan din ni Maria Taule, deputy secretary general ng Karapatan, na wakasan na ang mga nangyayaring extrajudicial killing sa panahon ng mga administrasyon nina Duterte at Marcos.
Facebook Comments










