Pero aminado si Dr. Shirley Domingo ng PhilHealth na limitado lamang ang kanilang pondo para sa COVID kaya naglabas na lamang sila ng case rates.
Ayon sa PhilHealth, sa ngayon ay nakapagpalabas na sila ng 10-billion pesos na tulong sa mga ospital.
Pinaliwanag ni Dr. Domingo na sa 10 billion inilabas nilang pondo, 5.6 billion pesos dito ay nilagay sa mga ospital na may COVID-19 patients
Nilinaw din ng PhilHealth na sa mga pasyenteng naka-confine mula February 1 hanggang April 14, o hanggang ngayon ay babayaran pa rin nila ng buo ang hospital bill.
Sa ilalim ng bagong case rates ng PhilHealth, kapag mild pneumonia, babayaran ito ng 43,997, moderate pneumonia ay ₱143,267, severe pneumonia ay ₱333,519, at critical pneumonia ay ₱786,384.
Kaugnay naman ng 8-million pesos na hospital bill ni dating Senator Heherson Alvarez, nilinaw ng PhilHealth na dahil March 7 ito na-confine, pasok aniya ito sa full payment policy ng PhilHealth
Samantala, hinihikayat naman ng Deprtment of Health (DOH) ang mga kapatid nating Filipino-Muslims na gawin na lamang ang kanilang Ramadan activities sa kanilang mga tahanan.
Kinumpirma rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan sila ngayon sa Telecommunications companies para sa free data access sa kira sa Facebook.
Una nang inilunsad ng DOH ang kira na isang chatbot para sa maayos na access sa COVID-19 information.