Manila, Philippines – Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ng Manila Electric Company (MERALCO) na sapat ang suplay ng kuryente sa buong bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay NGCP North Luzon Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen, Marso pa lamang ay nakabuo na sila ng ‘contingency measures’ para maiwasan ang pagkaputol ng suplay ng kuryente na may kinalaman sa transmisyon.
Aniya, nakaantabay na rin ang lahat ng kanilang ‘line crews, engineers, pilots, maintenance, testing’ at iba pang ‘technical personnel’ sa mga NGCP substations para mabilis na makaresponde sakaling may maganap na mga ‘line trippings’.
Kasabay nito, giit naman ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, handang-handa na sila at maging ang kanilang mga maintenance crew para sa halalan.