Manila, Philippines – Tiniyak ni Special Assistant to the president Secretary Bong Go na sasagutin ng Office of the President ang gastusin sa pagpapalibing ng mga nasawi sa sunog sa Tondo Manila.
Matatandaan na 5 magkakapatid ang namatay sa sunog sa isang residential area sa tondo na umabot sa ika 4 na alarma kung saan 40 kabahayan ang nasunog at naapektuhan ang 100 pamilya.
Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go sasagutin ng pamahalaan ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa magkakapatid.
Tiniyak din naman ni Go na tutulong ang tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakn ng mga naapektuhan ng malaking sunog.
Nalungkot naman si Go at namatay sa sunog ang mga walang kamuwang muwang na bata kaya nanawagan ito sa Bureau of Fire Protection na paigtingin pa ang information dissemination nang sa ganon ay mabawasan ang ganitong klase ng trahendiya.