TINIYAK | Operasyon ng DOJ Action Center, normal pa rin kahit wala na sa DOJ Compound

Manila, Philippines – Tiniyak ng DOJAC o ng Department of Justice Action Center na tuloy-tuloy pa rin sila sa pagtanggap ng mga reklamo kahit wala na sila sa dati nilang opisina sa DOJ compound.

Sa kasalukuyan kasi ay ginigiba ang buong lumang gusali, kasama na ang tanggapan ng DOJAC.

Sa ngayon, pansamantalang nagrerenta ang DOJAC ng isang unit sa Sunny Oak Incorporated building sa Engracia Street, Ermita Manila na nasa tapat ng Court of Appeals.


Samantala iniulat ni DOJAC Program Director, Atty. Perla Duque na simula January hanggang April ng taong kasalukuyan ay umabot na sa 4,032 na kliyente ang kanilang natulungan.

Facebook Comments