Manila, Philippines – Kasunod ng anunsyo ng Pangulo na kakalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court, tiniyak ngayon ng Palasyo na ang hakbang na ito ay hindi makaka-apekto sa mga Overseas Filipino Workers. Ito ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ay dahil karamihan sa mga bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFWs ay hindi naman miyembro ng ICC. Halimbawa na lamang aniya ang Kuwait at Saudi Arabia. Kung tutuusin ayon kay Roque, wala tayong nakukuhang remedyo sa ICC dahil kakaunti lamang ang mga estadong miyembro nito. Kaugnay nito, binigyan diin naman ni Roque na sa oras na Security Council ang nagsulong ng isang kaso, miyembro man ito o hindi ng ICC, ay kailangan pa rin nitong sumailalim sa iimbestigasyon.
TINIYAK | Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, hindi makakaapekto sa mga OFWs – Palasyo
Facebook Comments