Manila, Philippines – Tiniyak na ng gobyerno ng Pilipinas na umuusad na ang pagsusulong sa Blockchain Technology sa bansa para mapakinabangan ng mga Pilipino.
Sa isang pulong balitaan sa Pasay City, sinabi ni Cagayan Economic Zone Authority, o CEZA Administrator at CEO Atty. Raul Lambino, makikinabang dito ang mga Pilipino sa aspeto ng Investment ng mga kumpanyang papasok sa ahensya.
Sa ngayon, nagkakaroon na aniya ng ugnayan ang Banko Sentral ng Pilipinas at ang Securities and Exchange Commission hinggil sa pagpasok na sa Blockchain Technology sa mga darating na panahon.
Posibleng magtayo na rin ng Blockchain Academy ang CEZA para maturuan ang mga Pilipino hinggil sa nasabing teknolohiya.
Nilinaw naman ni Lambino na pipigilan ng gobyerno ang pag-iinvest ng mga Pilipino sa International Coin Offering, o I.C.O. na magtatayo ng opisina sa CEZA.
Paliwanag ng opisyal, itoy para maiwasang maloko ang mga kababayan nating mamumuhunan ng mga sindikato sa Fonsi Scheme, o pandaraya sa Virtual Currency.
Titiyakin din ni Lambino na hindi magagamit sa Money Laundering at Terrorism ang Blockchain Technology sa bansa.