TINIYAK | Pagpapalit ng porma ng pamahalaan, hindi negatibo ang epekto sa ekonomiya – Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi magkakaroon ng masamang epekto sa ekonomiya ang pagpapalit ng porma ng Gobyerno mula sa Unilateral patungo sa Federal form.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni National Economic Development Authority o NEDA Secretary Ernesto Pernia na ang pagpapalit ng porma ng gobyerno ngayon ay makaaapekto sa takbo ng ekonomiya at posibleng magresulta sa kaguluhan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang negtatibong epekto sa ekonomiya ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan.


Paliwanag ni Roque, natalakay na sa kanila ito ni Pernia at mananatili parin naman aniya pareho ang budgeting dahil ang mga national project ay ipapasok lang sa Internal Revenue Allotment o IRA ng bawal lokal na Pamahalaan.
Kabilang aniya dito ang Maintenance Road, bridge projects, water supply services, health centers, solid waste system at maraing iba pa.

Sinabi din ni Roque na nakatutok din naman ang national government sa Buil, build, build project pati narin sa policy making.

Facebook Comments