TINIYAK | Pagpapatrolya at pagsasaayos ng pasilidad sa WPS, tuloy-tuloy – Defense Sec. Lorenzana

Manila, Philippines – Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpapatuloy ang pagpapatrolya ng mga sundalo sa West Philippine Sea at pagsasaayos ng mga pasilidad sa mga isla.

Ayon sa kalihim, nagkakaroon ng regular na rotation ng tao at supply sa BRP Sierra Madre na nakasadsad ngayon sa Ayungin shoal upang magsilbing military outpost.

Naglaan na rin aniya sila ng pondo para sa pagaayos ng barracks ng mga sundalo sa West Philippine Sea dahil nanatili aniyang kubo ang tinutuluyan ng mga sundalo doon.


Bukod sa barracks tuloy tuloy rin ang rehabilitasyon ng runway sa Pag asa island na isa malalaking isla sa West Philippines Sea.

Tiniyak rin ni Lorenzana na kung may gagawing pangha harrass ang mga Chinese costguard sa mga mangingisdang Pinoy at handa silang mgrekomenda ng diplomatic protest.

Facebook Comments