TINIYAK | Panibagong extension ng martial law, agad na kakatigan ng Kongreso

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na agad na mapagbibigyan ang hiling na panibagong martial law extension sa Mindanao para sa susunod na taon.

Ayon kay Andaya, kung hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na palawigin pa sa susunod na taon ang batas militar sa Mindanao ay hindi mahihirapan na mapagbigyan ang hiling na ito.

Pero, pinatitiyak ni Andaya sa AFP at PNP na igagalang ang constitutional rights ng mga indibidwal sa ilalim ng batas militar para masiguro ang mabilis na pag-apruba sa martial law extension.


Pakikinggan din aniya ang sentimyento ng mga taong direktang maaapektuhan ng martial law extension sa pamamagitan ng mga inputs ng mga kongresista mula sa Mindanao.

Nauna rito, inirekomenda ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. sa Malakanyang ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao hanggang sa December 31, 2019.

Facebook Comments