TINIYAK | Pormal na kautusan na magpapasuspinde ng paniningil ng excise tax sa langis sa susunod na taon, abangan nalang – ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na malalabas sila ng pormal na dokumento na nagsususpinde ng pagkolekta ng excise tax sa susunod na taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nasa tanggapan ng Executive Secretary ang responsibilidad para sa paglalabas ng mga kautusan.

Pero sinabi nito na dapat ay abangan nalang ang official communications ukol sa paniningil ng excise tax para sa susunod na taon.


Dumistansiya naman si Panelo sa hirit ng mga mambabatas na ang suspindihin ay ang sinisingil na excise tax para sa taong ito at hindi lang ang sisingilin sa darating na 2019.

Paliwanag ni Panelo, bahala na ang economic managers ni Pangulong Duterte sa pagsagot sa mga ganitong usapin.

Facebook Comments