TINIYAK | Problemang tulad ng Boracay, hindi na mauulit – DENR

Aklan – Tiniyak ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi na mauulit pang mangyari ang pag abuso sa kalikasan at kapaligiran sa Boracay island sa Aklan bunga na rin ng tulong ng bagong Ecotourism Tracking Tool na magmomonitor at aalaman sa mga aktibidades sa lahat ng Ecotourism Sites Nationwide.

Ayon kay Cimatu ang Eco-Tourism Tracking Tool ay inilunsad ng Ecosystems Research and Development Bureau ng Department of Environment and Natural Resources na tutulong na magkaroon ng sistema sa pagsasaayos at proteksyon ng mga Ecotourism Sites sa bansa para mapangalagaan at mapanatiling maayos.

Una nang inatasan ng kalihim ang Eco System Research and Development Bureau upang magsagawa ng pag aaral sa kapasidad ng mga Ecotourism Sites, kasama na ang nasalaulang isla ng Boracay.


Paliwanag ni Cimatu, dahil sa kawalan ng mga standard guidelines at mekanismo ay nasalaula ang Isla ng Boracay.

Sa ngayon anya ay tulong tulong ang kanyang tanggapan at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan particular ng Tourism Department upang mapangalagaan ang Eco-Tourism Sites sa buong bansa.

Facebook Comments