Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagagandahin ang mga serbisyo para sa mga manggagawa.
Kasabay ng ika-84 na taong anibersaryo ng DOLE, sinabi ni Secretary Silvestre Bello, III – kabilang sa mga napagtagumpayan ng ahensya sa ilalim ng Duterte administration ay ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na kontraktwalisasyon at Overseas Filipino Workers Identification Card (OFW ID).
Inaasahan namang ilulunsad ang Overseas Filipino Bank (OFB) sa susunod sa taon.
Kasabay nito, naresolba rin ang higit 50,000 labor cases na nakatulong sa higit 80,000 manggagawa.
Facebook Comments