Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na nakabantay sila sa distribusyon ng suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ompong.
Sa press briefing sa Tuguegarao City, Cagayan kanina… sinabi ni DOE Sec. Alfonso Cusi na sinisikap ng ahensyang maibalik agad ang suplay ng kuryente lalo na sa mga probinsyang tinumbok ng bagyo.
Sa ngayon aniya, 15 mula sa 21 probinsya ang naayos na ang mga transmission line.
Aminado naman si Cusi na hindi agad agad maibabalik ang kuryente sa mga apektadong lugar dahil sa ikinokonsidera rin nila ang kaligtasan ng mga trabahador.
Kasalukuyang nagsasagawa ng foot and aerial patrol sa Cagayan ang DOE para makita ang lawak ng pinsala ng bagyo sa mga linya ng kuryente.
Facebook Comments