Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na maibibigay sa 6 na miyembro ng Philippine National Police na napatay sa misencounter sa puwersa ng Armed Forces of the Philippines sa Samar.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala siyang personal na alam sa issue pero tiyak naman aniyang naibigay na sa Malacañang ang impormasyon at kailangang hintayin ang resulta ng ginagawang imbestigasyon dito.
Gayon pa man, sinabi ni Roque na tiyak namang mabibigyan ng tulong ng pamahalaan ang mga namatay dahil hindi aniya pinababayaan ng pamahalaan ang mga tao nito.
Binigyang diin ni Roque na paulit-ulit ang mga sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na concern siya sa buhay at kapakanan ng mga nasa unipormadong hanay ng pamahalaan dahil mahala ang papel na ginagampanan ng ating mga pulis at mga sundalo.