TINIYAK | UP students, hindi matitinag sa babala ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan na hindi matitinag ang mga estudyante ng University of the Philippines sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa banta ng Pangulo na iki-kickout ang mga UP students na madalas nagwa walkout sa klase para lumahok sa mga kilos protesta.

Diin ni Pangilinan, kahit na si dating Pangulong Fedinand Marcos na pinakamatagal na umupo sa Malacanang, ay hindi nagawang takutin ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas.


Giit ni Pangilinan, bahagi ng karapatan ng mga kabataan ang paghahayag ng kanilang saloobin at pananaw sa mga usapin.

Facebook Comments