Tiniyak ng Xiamen Airlines na makikipagtulungan sila sa isasagawang imbestigasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa pagsadsad ng isa nilang eroplano sa dulo ng runway ng NAIA.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiangco – darating sa bansa ang iba pang opisyal ng airline company.
Ipapadala naman aniya sa singapore ang flight date recorder ng eroplano para sa decoding ng mga importanteng impormasyon.
Ani Sydiangco, kabilang sa iimbestigahan nila ay ang pahayag ng mga pasahero ng nasangkot na Xiamen plane – na nakaamoy sila ng nasusunog na plastic o wire bago ang pagbaba ng eroplano sa NAIA.
Hindi naman masabi ni Sydiangco kung gaano tatagal ang aabutin ng kanilang imbestigasyon.