TINORTURE | Lumad CAFGU, pinahirapan at pinugutan ng NPA sa Surigao Del Sur

Surigao Del Sur – Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Information Office Chief Lt. Col. Emmanuel Garcia na isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit at isang katutubo ang pinahirapan at pinugutan ng New Peoples Army (NPA) sa San Miguel Surigao Del Sur nitong January 29, 2018.

Ito ay si Mar Acebedo Bocales na tinangay ng mga NPA habang nangangaso sa gubat.

Nakaranas ng torture o pagpapahirap ang lumad na si Bocales bago pinugutan.


Sinabi ni Garcia na isa na namang patunay ito sa mga ginagawang panggugulo at pamumugot ng NPA na gawain aniya ng Abu Sayyaf at Daesh Inspired Maute Terrorist.

Nangako naman ang AFP na hindi sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktimang ito.

Tuloy aniya ang kanilang focused military operation habang nananawagan sila sa publiko na tulungan silang labanan ang terorismo, violent extremism para sa kapayapaan.

Facebook Comments