Tinubuan ng Mais na Proyekto ng DPWH, Pinuna ng mga Local Netizens!

*San Mateo, Isabela- *Pinuna ng maraming local netizens ang matagal nang nakatiwangwang na lansangan na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos tubuan ng mais partikular sa Salinungan Bridge, San Mateo, Isabela.

Sa pag-iikot ng RMN Cauayan News Team dito sa Lalawigan ng Isabela ay nakaagaw pansin ang isang nakabinbing proyekto ng DPWH sa nasabing lugar na tinubuan na ng isang malusog na mais.

Ilan sa mga naging pahayag at reaksyon ng mga netizens matapos makita ang mais na tumubo sa nakatiwangwang na lansangan ay maaaring mamunga pa ang tumubong mais subalit hindi pa rin gagalawin ng DPWH ang kanilang sinimulang proyekto.


Nagpapakita rin umano itong patunay na talagang mabagal ang pag-usad ng mga isinasagawang proyekto ng ating pamahalaan.

Palaisipan rin sa mga netizens na hihintayin pa ba ng DPWH na tubuan ng mga halaman ang kanilang mga binakbak na lansangan o tapusin nalang ang mga ito upang matapos ang kanilang mga sinimulang proyekto.


Facebook Comments